MANILA, Philippines - Mas higit na pinagtutuunang pansin ng Philippine Atmospheric Geophysical & Astronomical Services Administradtion (PAGASA) ang epekto ng climate change kaysa sa radiation leak mula sa nuclear power plant sa Japan.
Sinabi ni Dept. of Science & Technology Undersecretary Graciano Yumul, ang tunay na dapat bantayan nila para dito ay ang nangyaring matinding pagbabaha at pagguho ng lupa sa Leyte at Bohol dahil sa epekto ng pagbabago ng klima.
Dagdag ni Usec Yumul, nakatutok ang mga ahensya ng pamahalaan sa epekto ng nuclear radiation, ngunit wala naman gaanong epekto umano ito sa ating bansa, hindi tulad ng actual na kaganapan na pagbabaha at landslide.
Umabot na sa 11 katao ang namatay at 15,000 pamilya ang nawalan ng tahanan sa Visayas at Mindanao.
Giit ni Usec Yumul, kakaiba na anya ang takbo ng panahon, dahil ngayong Marso ay hindi na dapat nararanasan ang northeast Monsoon, at ang La Nina ay may kaugnayan sa Climate Change.
Sa susunod na linggo, dagdag pa ng opisyal, maaring ulanin ang silangang bahagi ng Mindanao at Davao.