^

Bansa

Climate change mas dapat bantayan kaysa radiation leak sa Japan - PAGASA

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Mas higit na pinagtutuunang pansin ng Phi­lippine Atmospheric Geophysical & Astronomical Services Administradtion (PAGASA) ang epekto ng climate change kaysa sa radiation leak mula sa nuclear power plant sa Japan.

Sinabi ni Dept. of Science & Technology U­ndersecretary Graciano Yumul, ang tunay na dapat bantayan nila para dito ay ang nangyaring matinding pagbabaha at pagguho ng lupa sa Leyte at Bohol dahil sa epekto ng pagba­bago ng klima.

Dagdag ni Usec Yumul, nakatutok ang mga ahensya ng pamahalaan sa epekto ng nuclear radiation, ngunit wala naman gaanong epekto umano ito sa ating bansa, hindi tulad ng actual na kaganapan na pagbabaha at landslide.

Umabot na sa 11 katao ang namatay at 15,000 pamilya ang nawalan ng tahanan sa Visayas at Mindanao.

Giit ni Usec Yumul, kakaiba na anya ang takbo ng panahon, dahil nga­yong Marso ay hindi na dapat nararanasan ang northeast Monsoon, at ang La Nina ay may kaugnayan sa Climate Change.

Sa susunod na linggo, dagdag pa ng opisyal, maaring ulanin ang sila­ngang bahagi ng Min­da­nao at Davao.

ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRADTION

ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL

BOHOL

CLIMATE CHANGE

DAGDAG

GRACIANO YUMUL

LA NINA

SHY

TECHNOLOGY U

USEC YUMUL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with