Dagdag sahod sa mga hukom aprub

MANILA, Philippines - Aprubado na ang dagdag sahod ng mga hukom mula sa iba’t ibang panig ng bansa bunsod na rin ng isang kasunduan na dinaluhan ng may 700 hukom mula Municipal, Metropolitan at Regional Trial Court matapos na isagawa ang General Assembly sa Century Park Hotel sa Maynila.

Ayon kay Judge Antonio Eugenio, Presidente ng Philippine Judges Association, nakasaad sa binalangkas na Memorandum of Agreement kung paano ipatutupad ang Special Allowance for Judges o SAJ at ang Salary Standardization Law para sa mga hukom.

Ang balangkas na kasunduan ay nabuo matapos ang serye ng pagpupulong sa pagitan ng  mga kinatawan ng Department of Budget and Management (DBM) at ng mga opisyal ng Philippine Judges Association, Philippine Trial Judges League at Metropolitan and City Judges Association of the Philippines.

Bigo namang makadalo sa pagpupulong si Budget Sec. Butch Abad na nagpadala na lamang ng kinatawan.

Sinabi ni Eugenio na nakatanggap naman sila ng positibong tugon mula sa DBM dahil aprubado naman daw ni Pangulong Aquino ang nasabing kasunduan.

Show comments