Contractualization law bubuwagin sa Kamara

MANILA, Philippines –  Aprubado na sa committee level sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbuwag sa contractualization law sa bansa o pangongontrata sa mga manggagawa na ginagawa ng karamihan sa mga kumpanya upang makaiwas sa mas malaking gastusin sa labor.

Sinabi ni DIWA party-list Rep. Emmiline Aglipay, ipagbabawal na ang kontraktuwalisasyon o sistema sa paggawa kung saan hanggang 6 na buwan lamang puwedeng magtrabaho ang isang manggagawa.

Karaniwan ito sa mga department store kung saan ang mga saleslady ay nasa ilalim ng contractualization kaya pagkatapos ng kanilang 6 buwang kontrata ay awtomatikong tanggal ang mga ito sa kanilang trabaho.

Show comments