Phl 'di apektado ng radiation - WHO
MANILA, Philippines – Tiniyak ng World Health Organization (WHO) na hindi apektado ng radiation risk mula sa nuclear crisis sa Japan ang ibang bansa sa Asya.
Ayon kay Michael O’Leary, head ng WHO sa China, walang nakikitang indikasyon ng pagkalat ng radioactive material na malapit sa paligid ng Fukushima nuclear plant.
Nabatid na pinagsisikapan ng mga manggagawa na mapalamig ang nag-over heat na reactors ng planta na nasira ng lindol at tsunami.
Ang mga nasa 12 miles (20 kilometers) mula sa reactor ay pinalikas na habang maaari nang manatili sa loob ng kanilang bahay ang mga nasa 20 miles (30 kilometers).
Sinabi ng mga health experts na maliit lamang ang banta ng radiation sa lugar kabilangna ang mga nasa Tokyo, 140 miles (220 kilometers).
Gayunman, patuloy ang pagmonitor ng China at ng iba pang bansa ng radiation levels.
Samantala, tinayang aabot sa 15,000 katao ang patay sa lindol at tsunami sa Japan.
Ito’y matapos na umakyat kahapon sa mahigit 6,000 na ang narekober na patay habang mahigit 9,000 pa ang nawawala.
- Latest
- Trending