Walang malakas na paglindol sa Phl ngayong taon - psychic

MANILA, Philippines –  Hindi umano magkakaroon ng malakas na lindol sa bansa sa loob ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Danny Atienza, tinaguriang Nostradamus ng Asia, wala siyang nakikita o kaya’y nararamdaman na senyales na magkakaroon ng 7.2 lindol sa Pilipinas sa taong ito.

Sa isang forum sa Fernandina sa Club Filipino Greenhills, San Juan, sinabi ni Atienza na walang dapat ipangamba ang publiko hinggil sa napapaba­litang magkakaroon ng malakas na lindol sa halip ay pinapayuhan  nito ang mga mamamayan na ipagpa­tuloy lamang ang pagdarasal at paghingi ng bendisyon sa Panginoon para malayo ang bansa sa ano mang malalakas na sakuna.

Gayunman, sinabi ni Atienza na ang magnitude 9 lindol sa Japan ay masusundan pa. Aniya, maari umanong lumubog ang buong Japan at posibleng mawala sa mapa ng mundo at lilitaw ang “lost continent” ng Atlantis.

Show comments