^

Bansa

Tigdas outbreak nakaamba - DoH

- Dr. Willie T. Ong -

MANILA, Philippines –  Naaalarma na ang Department of Health sa dumaraming kaso ng tigdas sa bansa matapos tumaas ng tatlong doble mula sa 453 kaso noong 2007 sa 1,418 nitong 2010.

Sa loob ng nakalipas na 2 taon, may 66 na bata na rin ang namatay sa tigdas. Ang ganitong sit­wasyon ay nangya­yari lamang kapag kumokonti ang mga batang nabakunahan sa tigdas.

Dahil dito, inatasan ni Health Secretary Dr. Enri­que T. Ona, na magsagawa ng malawakang door-to-door measles vac­ci­nation campaign umpisa ngayong Abril 4. Layunin ng kam­panya na makapagbakuna ng 18 milyon batang Pilipino, edad 9 na buwan hanggang 8 taong gulang.

Ayon kay Director Asuncion M. Anden ng DoH National Center for Health Promotion, maglalaan ng P600 milyon ang DoH para sa kampanyang “Ligtas sa Tigdas ang Pinas.” Kung magiging ma­­tagumpay ang pagbabakuna, maraming buhay ang maililigtas nito.

Sa isang panayam, si­nabi ng kalihim na ang tigdas ay isang nakaka­hawang sakit ng mga bata mula edad 6 months hanggang 12 years. Ang tigdas ay galing sa measles virus at ang bakuna ang pinakamabisang panlaban sa tigdas.

Hinihikayat ni Ona ang lahat ng mga mayors sa pamahalaang local na tumulong sa kampanya ng DoH laban sa tigdas.

“Seryoso ang sakit na tigdas dahil puwedeng magka-komplikasyon. Isa sa bawat 10 bata na may tigdas ay magkakaroon ng impeksyon sa tainga na puwedeng kumalat sa utak. Isa sa bawat 20 bata ay magkakaroon ng pulmonya at isa sa bawat 500 bata ay namamatay sa tigdas,” wika ni Ona.

Ang sintomas ng tigdas ay lagnat, sipon, ubo at kakaibang rashes sa buong katawan. Nag-uumpisa sa lagnat na tumitindi pagdating ng 4-5 araw. Pagkatapos, la­labas ang makakapal na rashes mula mukha pababa sa buong katawan. Pagkalipas ng 4-5 araw, inaasahang mawawala na ang rashes at ang lagnat.

Para hindi makahawa sa ibang bata, kailangan maihiwalay ang mga batang may tigdas. Nakakahawa ang mga bata sa loob ng 4 na araw bago magkaroon ng sintomas ng tigdas, hanggang sa 5 araw pagkatapos lumabas ang mga rashes.

ABRIL

BATA

DEPARTMENT OF HEALTH

DIRECTOR ASUNCION M

DR. ENRI

HEALTH PROMOTION

ISA

NATIONAL CENTER

SHY

TIGDAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with