^

Bansa

3-year fixed term sa AFP chief

-

MANILA, Philippines - Inaprubahan na ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill no.6 na nagbibigay ng tatlong taong fixed termsa Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) simula sa petsang italaga siya ng Pangulo at balewala na ang petsa simula ng kumpirmahin ito ng Commission on Appointment (CA).

Ayon kay Muntinlupa City Rep. Rodolfo Biazon, may-akda ng panukalang batas, na layunin nito na mabigyan ng security of tenure ang AFP Chief of Staff (COS) at masiguro na maipagpapatuloy nito ang mga programang kanyang sinimulan.

Nakasaad sa panukala ni Biazon na siya ring chairman ng House Committee on National Defense and Security na walang opisyal ang maaring italaga bilang COS kapag wala ng isang taon na natitira sa serbisyo nito habang walang extension ng termino ang maaring payagan maliban na lamang sa mga kaso kung mayroong digmaan o national emergencies kung saan ang Kongreso naman ang magdedeklara nito.

Kapag ang itinalagang opisyal ay umabot na sa compulsary retirement age bago matapos ang tatlong taon termino, ang compulsary retirement ng COS ay maaring ipagpaliban hanggang sa prescribed three year term.

Sa kabila nito, ang Pangulo bilang Commander in Chief ay maaring sibakin ang COS anumang oras bago ang kanyang termino dahil sa kawalan ng tiwala. (Gemma Garcia/Butch Quejada)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BUTCH QUEJADA

CHIEF OF STAFF

GEMMA GARCIA

HOUSE BILL

HOUSE COMMITTEE

MUNTINLUPA CITY REP

NATIONAL DEFENSE AND SECURITY

PANGULO

RODOLFO BIAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with