Recruiter ni Ordinario kinasuhan
MANILA, Philippines - Pormal nang ipinagharap ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang umano’y recruiter ni Sally Ordinario-Villanueva, isa sa tatlong Filipino na hinatulan ng parusang bitay sa China dahil sa kasong drug trafficking.
Kasong large-scale illegal recruitment o paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2008 ang inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Tita Cacayan. Tumatayong complainant laban kay Cacayan ang mga kaanak ni Villanueva, kabilang na ang asawang si Hilarion, kapatid na si Jayson Ordinario at ina na si Basilisa. Kabilang din sa mga complainant ang mga kaanak ng iba pang nabiktima ni Cacayan.
Bukod kay Villanueva, kasama rin sa mga umano’y nabiktima ni Cacayan sina Melita Salazar-Sibayan, na naaresto rin sa China dahil sa drug trafficking.
- Latest
- Trending