MANILA, Philippines - Inilagay na rin kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa alert level 2 ang alarma sa kasalukuyang sitwasyon ng mga Pinoy sa Bahrain.
Bunga nito, iniutos na ang boluntaryong paglilikas sa may 31,000 Pinoy na karamihan ay skilled workers dahil sa tuluy-tuloy na pagsiklab ng karahasan at patayan sa pagitan ng mga protesters at Bahrain government troops.
Sa alert level 2, bukod sa kusang pag-alis sa Bahrain ay kailangan na ang “restriction of movements o ibayong pag-iingat ng kanilang galaw at pinaiiwas na magpakalat-kalat sa kalye lalo na sa matataong lugar at pinagdadausan ng madudugong demonstrasyon.
Bukod sa Bahrain, naka-alert level 2 rin ang alarma para may 1,600 Pinoy sa Yemen na sinimulan na ring ilikas sa mas ligtas na lugar habang ang iba ang ninais nang umuwi sa Pilipinas upang makaiwas sa madugong sagupaan.