^

Bansa

31-libo Pinoy pinalilikas na, Alert level 2 itinaas sa Bahrain

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Inilagay na rin kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa alert level 2 ang alarma sa kasalukuyang sitwasyon ng mga Pinoy sa Bahrain.

Bunga nito, iniutos na ang boluntaryong paglilikas sa may 31,000 Pinoy na karamihan ay skilled workers dahil sa tuluy-tuloy na pagsiklab ng karahasan at patayan sa pagitan ng mga protesters at Bahrain government troops.

Sa alert level 2, bukod sa kusang pag-alis sa Bahrain ay kailangan na ang “restriction of movements o ibayong pag-iingat ng kanilang galaw at pinaiiwas na magpakalat-kalat sa kalye lalo na sa matataong lugar at pinagdadausan ng madudugong demonstrasyon.

Bukod sa Bahrain, naka-alert level 2 rin ang alarma para  may 1,600 Pinoy sa Yemen na sini­mulan na ring ilikas sa mas ligtas na lugar habang ang iba ang ninais nang umuwi sa Pilipinas upang makaiwas sa madugong sagupaan.

vuukle comment

ALARMA

ALERT

BAHRAIN

BUKOD

BUNGA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

INILAGAY

LEVEL

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with