^

Bansa

Sen. Marcos natakot sa 'radiation'

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Natakot si Sen. Ferdinand “Bong-Bong” Marcos sa balita na posibleng umabot  sa Pilipinas ang radiation na sanhi ng pagsabog ng nuclear plant sa Japan kaya ang nakatakdang birthday party ng isang kaibigan kagabi ay gagawin na lamang nila sa loob ng bahay.

Sinabi ni Sen. Marcos kahapon bago magsimula ang sesyon, sa halip na sa labas ng bahay nila gagawin ang birthday celebration ng kaniyang kaibigan ay gagawin na lamang ito sa loob ng bahay upang makatiyak na hindi sila maaapektuhan ng radiation o anumang kemikal na maaaring makaabot sa Pilipinas mula sa bansang Japan.

Iiwasan na rin umano ni Marcos na mag sun bathing  upang hindi maapektuhan ng radiation.

Pinagtawanan naman ni Sen. Loren Legarda ang sinabi ni Marcos at sinabihan pa ang senador na hindi dapat paniwalaan ang mga kumakalat na balita sa text at internet.

Ayon kay Legarda imposible ang mga kumakalat sa text at sa internet na makakaabot sa Pilipinas ang sinasabing radiation na magmumula sa Japan.

vuukle comment

AYON

BONG-BONG

FERDINAND

IIWASAN

LEGARDA

LOREN LEGARDA

NATAKOT

PILIPINAS

PINAGTAWANAN

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with