^

Bansa

Pinas damay sa nuke radiation

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pinangangambahan ng mga eksperto na posible umanong madamay ang bansa sa radiation na idudulot ng tuluyang pagsabog ng nuclear power plant sa Japan.

Ito ang inihayag kahapon ni Dr. Ted Esguerra, chairman ng Seach and Rescue Unit Foundation Inc., na nagsasagawa ng mga pag-aaral sa epek­to at mga paghahanda sa kalamidad ng lindol at tsunami.

Sa ginanap na pulong balitaan sa Tinapayan sa Dapitan, sinabi ni Esguerra na hindi malayong maapek­tuhan rin ang bansa ng radiation dahil na rin sa ihip ng hangin at makontamina ang tubig, isda at tao lalo na’t malapit lang naman ang Japan sa Pilipinas.

Sinabi ni Esguerra na kung makakakain tayo ng isdang kontaminado ay pupuwedeng malipat sa tao ang sakit na taglay nito.

Ayon naman kay Philippine National Red Cross (PNRC) Secretary General Gwendolyn Pang, ito umano ang dahilan kung bakit nagsasagawa na nga­yon ng evacuation ng mga tao sa Fukushima bilang paghahanda sa anumang pagsabog na magaganap sa nuclear plant para maiwasan ang epekto ng radiation.

Ito rin umano ang da­hi­lan kung bakit mara­ming nagpapakamatay kapag naapektuhan ng radiation para maiwasan na makapagdamay pa ng ibang tao.

Ayon pa kay Esguerra, libo-libong taon umano ang kailangang lumipas para mawala ang epekto ng radiation, kaya nga tinawag na “ultimate weapon” ang nuclear plant.

Gayunman sinabi ni Esguerra na kung iri-rate niya ang paghahanda ng gobyerno mula 1-10, bibigyan lamang niya ito ng gradong 2-4 kaya dapat umanong kumilos na ang pamahalaan para makapaghanda.

AYON

DAPITAN

DR. TED ESGUERRA

ESGUERRA

FUKUSHIMA

GAYUNMAN

PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS

SEACH AND RESCUE UNIT FOUNDATION INC

SECRETARY GENERAL GWENDOLYN PANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with