^

Bansa

DTI nagbabala sa 'panic buying'

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Makaraang makapagtala ng record na pinakamataas na presyo sa mga bilihin ang United Nations, nagbabala nga­yon ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko laban sa “pa­nic­ buying”.

Sa datos ng UN Food and Agriculture Organization’s Food Price Index, naitala ngayong Pebrero ang pinakamataas na presyo ng mga bilihin na tumalo sa dating rekord noong 2008.  Dulot rin ito ng kaguluhan sa mga bansa na nagsu-suplay ng langis sa Gitnang Silangan at pag-i-stock ng malalaking kumpanya ng pagkain.

Ngunit sa Pilipinas, nilinaw ni Undersecretary Zenaida Maglaya na walang epekto ang problema sa langis sa suplay ng pagkain sa bansa kaya hindi dapat magkaroon ng panic buying sa mga Filipino.

Nilinaw naman ni Steven Cua, pangulo ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc., na wala pa silang namo-monitor na “panic buying” sa bansa.

Sa kabila nito, sinabi ni Maglaya na doble ka­­yod sila ngayon sa pagmo-monitor sa mga pamilihan laban sa overpricing na ipinatutupad ng mga negosyante at retailers sa mga pangunahing bilihin.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DULOT

FOOD AND AGRICULTURE ORGANIZATION

FOOD PRICE INDEX

GITNANG SILANGAN

PHILIPPINE AMALGAMATED SUPERMARKETS ASSOCIA

STEVEN CUA

UNDERSECRETARY ZENAIDA MAGLAYA

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with