Alaala ni 'Florence' bumabalik na

MANILA, Philippines - Ipinahayag ni Justice Secretary Leila de Lima na unti-unti nang bumabalik ang alaala ng rape victim na si “Florence” ma­tapos ang kanyang sinapit sa kamay ng kanyang rapist sa Maguindanao noong nakaraang taon.

Ayon kay de Lima, nakatanggap siya ng impormasyon mula sa imbestigador ng National Bureau of Investigation kung saan naaalala na ni Florence ang nangyari sa kanya noong Setyembre  25.

Sinabi ni de Lima na hindi pa maaring mainterview si  Florence hangga’t hindi nagiging stable ang kanyang isip.

Nabatid na hindi pa psychologically fit si Florence at hindi pa handa na magkuwento sa kanyang sinapit

Pinaghahanap nga­yon ng NBI ang isang “Edwin” na itinuro ng suspect na si Melchor Fulgencio na siyang gumahasa sa biktima.

Show comments