4 Pinoy pasok sa Billionaire's List
MANILA, Philippines - Apat na Pinoy ang pumasok sa listahan ng mga pinakamayamang tao sa mundo, ayon sa ulat ng Forbes magazine. Nanguna ang telecom tycoon na si Carlos Slim Helu ng Mexico na may ari-arian na nagkakahalaga ng $74 bilyon. Si Bill Gates ng Amerika na dating nangunguna ay pumangalawa na lamang.
Samantala ang negosyanteng si Henry Sy ng SM Group of Companies na sinasabing pinakamayamang Pinoy sa bansa na may kabuuang $5.8 bilyon ang yaman ay pang-173 sa 2011 Billionaire’s List.
Si Lucio Tan, may-ari ng Philippine Airlines at Asia Brewery na may asset na $2.3 bilyon at pangalawa sa richest sa Pilipinas ay nasa ika-540 puwesto. Ka-tie niya ang pangatlong pinakamayaman sa bansa na si Andrew Tan na may $2.2 bilyon.
Ang port magnate naman na si Enrique Razon na may kabuuang $1.1 bilyon ang ari-arian at pang-apat sa pinakamayaman sa bansa ay pang-1,057 puwesto.
- Latest
- Trending