P-Noy umakyat sa 20-palapag sa Singapore
MANILA, Philippines - Mistulang nag-penitensiya si Pangulong Aquino nitong “Ash Wenesday” nang akyatin nito ang 20 palapag na Changi Water Reclamation Plant matapos masira ang underground elevator sa kanyang pagbisita sa Singapore kamakalawa.
Nabatid na na-trap ng 20 minuto sa elevator ang delegasyon ng Pangulo kaya napilitan na lamang silang gumamit ng hagdan upang marating ang ground level ng water treatment.
Humingi naman ng paumanhin ang mga Singaporean officials kay Aquino dahil sa pangyayari pero sinabi ng Pangulo na ‘okay” lamang ito.
Kasama ni P-Noy sa kanyang pagbisita sa water treatment plant ang 71-anyos na si DFA Sec. Albert del Rosario, PCOO Sec. Herminio Coloma, Finance Sec. Cesar Purisima at ibang miyembro ng kanyang delegasyon.
Itinuturing na lamang ng delegasyon na bahagi ng penitensiya ang nangyari sa kanila dahil “Ash Wednesday” naman noong Marso 9 at simula ng Holy Week.
Nag-ayuno din ang Pangulo sa kanyang dinner noong Ash Wednesday at hindi ito kumain ng karne bagkus ay seafoods ang kanyang kinain.
- Latest
- Trending