^

Bansa

Palasyo dumepensa kay Ochoa sa 'glass mansion'

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Tanggap ng Malakanyang ang paliwanag ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr. na hindi siya ang may-ari ng tinatawag na “glass mansion” sa White Plains, Quezon City at nagpahayag ng pag-asang matatapos na ang kontrobersiya tungkol dito. 

Naunang nilinaw ni Ochoa na hindi siya ang may-ari ng mansion kundi ang bayaw niyang si Jerry Acuzar, asawa ng kapatid niyang si Tess at ito’y nabili ng mag-asawa noon pang March 20, 2009. Ito ay sa pamamagitan umano ng kanilang kompanyang Hedgerow Retain Holdings.

Ginamit umano ng mag-asawa ang law office na MOST dahil si Ochoa ay ”partner on leave” ng naturang law firm. Ang kompanyang Hedgerow ay may kinalaman sa real property at “build and sell” ng mga tahanan.

Sinabi ng tagapagsalita ng Pangulo na si Edwin Lacierda na pinatutunayan ng dokumento na hindi si Ochoa ang may-ari ng nasabing ari-arian. 

“Batay sa mga dokumento, wala ang pangalan niya bilang may-ari ng nasabing bahay, at hindi siya bahagi ng mga stockhol­ders ng record ng korporas­yon. Kaya ang kasulatang nasabi ang magpapatunay nito,” ani Lacierda sa press briefing noong Martes.  

BATAY

EDWIN LACIERDA

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO N

GINAMIT

HEDGEROW RETAIN HOLDINGS

JERRY ACUZAR

OCHOA

QUEZON CITY

WHITE PLAINS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with