Treatment plant ng Manila Water nakaabot na sa Jolo
MANILA, Philippines - Inabot na ng water concessionaire na Manila Water ang kanilang portable treatment plant (PTP) sa Jolo, Sulu para mabigyan ng malinis at maiinom na tubig ang mga residente roon na apektado ng malawakang pagbaha.
Malaking bagay umano ito lalupat ramdam pa rin ng mga taga-Jolo ang masamang epekto ng pagbaha roon noong nakaraang buwan bunsod ng malalakas na pag-ulan.
Sa press statement ng Manila Water, ang hakbang ay tugon umano nila sa panawagan ni Pangulong Noynoy Aquino sa mga water concessionaires sa Kalakhang Maynila na tumulong sa paghahatid ng malinis na tubig sa mga biktima ng nasabing pagbaha.
“As we ensure the reliability of Manila Water’s basic water and sanitation services in the east zone of Metro Manila, we are likewise committed to provide assistance to areas with dysfunctional or absent water systems in need of clean water, which we regard as part of our corporate social philosophy,” pahayag ni Alice Manalo, pinuno ng Manila Water’s Operational Risk Management.
- Latest
- Trending