Burial assistance sa mga beterano tinaasan
MANILA, Philippines - Aprubado na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagtataas ng burial assistance para sa mga beterano mula sa P10,000 hanggang P20,000.
Sinabi ni Rep. Herminia Roman (1st District, Bataan), chairperson ng House Committee on Veterans Affairs and Welfare at siya ring may akda ng nasabing batas na isang malaking tulong sa pamilya ng beterano ang nasabing batas.
Nakasaad sa nasabing batas na ang P20,000 ay ibibigay sa isang tao na siyang gumastos sa gastusin sa burol ng namatay sa sandaling i-fill na ito sa loob ng dalawang taon matapos ang pagkamatay ng isang beterano.
Binigyan depinisyon naman ng naturang batas ang Filipino veteran bilang isang tao na nagbigay serbisyo sa militar maging ito man ay sa lupa, dagat at himpapawid sa Pilipinas noong panahon ng rebolusyon laban sa Spain, Phil-Am War, WWII, kabilang ang Filipino citizens na nagsilbi sa Allied Forces sa teritoryo ng bansa at mga dayuhan na nagsilbi naman sa Philippine forces, Korean Campaign, Vietnam Campaign, Anti-Dissidence Campaign, o iba pang giyera at military campaigns.
Sakop din ng batas ang Filipino veterans na nagbigay ng serbisyo sa militar sa AFP at nagbitiw sa serbisyo matapos o kahit anim na taong kabuuan ng serbisyo o ang pagkalumpo mula sa sugat o sakit na nakuha nila mula sa serbisyo.
- Latest
- Trending