Magarbong graduation ipinagbabawal ng CHED
MANILA, Philippines - Mahigpit na ipinagbabawal ng Commission on Higher Education (CHED) sa mga eskwelahan at unibersidad na magdaos ng magagarbong graduation rites ngayong Marso.
Ayon kay Atty Julito Vitriolo, executive director ng CHED, dapat maging simple lamang ang graduation rites ng mga mag aaral at hindi sa mamahaling lugar para makapaningil ang mga paaralan ng mataas na halaga ng graduation fee.
Anya, kung maari sana ay gawin na ring simple ang yearbook, graduation party at iba pang aktibidad.
Hinikayat pa ni Vitriolo ang mga estudy ante at mga magulang na agad na magsuplong sa kanilang hanay kapag may namonitor na eskwelahang naniningil ng sobra sobra.
Ayon kay Vitriolo, agad nilang iimbestigahan ang mga eskwelahang irereklamo at bibigyan ng karampatang aksyon.
- Latest
- Trending