^

Bansa

Duterte kinasuhan ng Ombudsman

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Sinampahan ng tanggapan ng Ombudsman ng kasong kriminal si Davao City Vice Mayor Rodrigo Duterte kasama ang 11 nitong opisyal dahil sa illegal na paggamit ng pondo ng gobyerno noong siya pa ang punong opisyal dito.

Sa ipinalabas na resolusyon ng Ombudsman, nilabag umano ni Duterte at ng mga opisyal nito ang Republic Act 3019 – anti graft and corrupt practices act at ang Republic Act 5447 o ang batas na lumikha sa Special Education Fund nang illegal na kumuha ng P11,500.00 mula sa pondo nito.

Ginamit umano ni Duterte ang nasabing pondo sa kanyang ‘Pahalipay ni Mayor’ program kung saan nagpakain ito at namudmod ng mga kagamitan sa bahay, taliwas sa isinasaad ng batas.

Nabigo din umano ang panig ni Duterte na magpalabas ng dokumento na magpapatunay na konektado ang aktibidad sa mga programa ng Department of Education.

Bukod kay Duterte, sasampahan din ng paglabag sa seksyon 9 ng RA 5447, paglabag sa seksyon 3a ng RA 3019 at technical malversation sina Wendel E. Avisado, Gloria P. Labor, Maria Belen S. Acosta, April Marie C. Dayap, Rodrigo S. Riola, Florencio Colina, Alma A. Castillo, Gracita Camilo T. Berguia, Warlito M. Salido, Yolanda C. Tablizo, at Rizalina N. Justol.

ALMA A

APRIL MARIE C

DAVAO CITY VICE MAYOR RODRIGO DUTERTE

DEPARTMENT OF EDUCATION

DUTERTE

FLORENCIO COLINA

GLORIA P

GRACITA CAMILO T

MARIA BELEN S

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with