Oban, bagong AFP chief
FORT DEL PILAR, Baguio City, Philippines - Pormal nang inanunsiyo kahapon ni Pangulong Aquino ang pagtatalaga niya kay Lt. Gen. Eduardo Oban bilang ika-42 at susunod na Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff.
Sinabi ni Pangulong Aquino sa kanyang mensahe sa graduation rites ng Philippine Military Academy (PMA) Class Laon-Alab of 2011, na si Gen. Oban ang kanyang napiling papalit sa magreretirong si Maj. Gen. Ricardo David Jr. Si Oban ay miyembro ng PMA Class 79 at kasalukuyang vice-chief of staff ng AFP.
Nakatakdang isagawa ang turn-over ceremony sa AFP leadership sa Camp Aguinaldo sa araw na ito.
Pinili ni Aquino si Oban batay sa kanyang kapasidad at hindi dahil sa bata-bata system na nakasanayan.
- Latest
- Trending