^

Bansa

40% ng teenagers 'di nakakapasok sa HS

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nababahala ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) na maraming kabataang Pilipino na nasa edad 12 anyos hanggang 16 anyos ang hindi na nakakapasok sa high school sa bansa.

Sa press statement ng UNICEF, inilahad nitong sa buong mundo umano ay mahigit 70 milyon ang mga kabataang out-of-school-youth na dapat sana ay pumapasok sa high school.

At sa Pilipinas, nasa 60 percent lamang ang nakakapasok sa sekondaryong paaralan habang ang 40 percent ay hindi na nagagawa pang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Pagdating naman sa usapin ng kabuhayan sa Pilipinas, 1.4 milyon ng kabataang lalaki at babae na nasa edad 15-24 anyos ang walang trabaho. Kaya naman 51 porsiyento ng kabuuang bilang ng walang trabaho sa bansa ay pawang mga kabataan.

Ipinaliwanag din ng UNICEF na kaya nagkakaganito ang sitwasyon ay dahil sa kawalan o kakula­ngan ng sapat na kaalaman, kakayahan at abilidad ng mga kabataan sa mga trabahong kinakailangan sa lumalaking technological labor market.

ANYOS

IPINALIWANAG

KABATAANG

KAYA

NABABAHALA

PAGDATING

PILIPINAS

PILIPINO

UNITED NATIONS CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with