MANILA, Philippines - Maulan sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas dahilan sa epekto ng hanging amihan at wind convergence.
Ayon sa PAGASA, patuloy na makakaranas ng kalat-kalat na pag-uulan sa bahagi ng Luzon dahil sa umiiral na northeast monsoon o tinatawag na “amihan” partikular na sa hilaga at silangang Luzon maging sa Metro Manila.
Samantala, ang wind convergence naman ang umiiral sa silangang Visayas at Mindanao na siyang dahilan ng mga kalat-kalat na mga pag-ulan sa rehiyon.
Nilinaw ng PAGASA na walang bagyo na umiiral sa loob ng area of responsibility ng Pilipinas dahil maulan.