^

Bansa

Bulag, pipi at bingi matatalino - DepEd

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - “Matatalino ang mga batang bulag, pipi at bingi.”

Ito ang inihayag kahapon ng pamunuan ng Department­ of Education (DepEd).

Ayon kay Dr. Yolanda Quijano, Undersecretary for program and projects ng DepEd, sa kasalukuyan ay may kabuuang 195,000 batang may ibat-ibang kapansanan sa pangangatawan ang naka-enroll sa Special Education Division (SPED) na patuloy na tinutustusan at binibigyan ng special na atensiyon sa pagtuturo ng DepEd.

 “Ang mga batang may kapansanan ay magaga­ling sa Math, English, Sining, Musika at iba pang asignatura,” ani Dr. Quijano.

Gayunman ay inamin ng DepEd na kapos sila ng mga paaralan at mga guro para sa mga “special at gifted child” kaya hindi lahat ng mga batang may kapansanan ay nakakatuntong sa mga paaralan partikular na iyong mahihirap lamang ang kanilang pamilya.

Base sa impormasyon na nakarating sa DepEd, sinasabing dalawang porsiyento sa bawat batang isinisilang sa araw-araw ay may kapansanan sa pa­ngangatawan at kailangan na bigyan ng matiyagang pagsubaybay at pagtrato.

Sa kabuuang 30-milyong bata sa bansa ay limang libo sa mga ito ay out of school youth at karamihan ay iyong may kapansanan sa pangangatawan.

AYON

BATANG

DR. QUIJANO

DR. YOLANDA QUIJANO

GAYUNMAN

MATATALINO

MUSIKA

SPECIAL EDUCATION DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with