SC nagbigay ng deadline para linisin ang Manila Bay

MANILA, Philippines - Nagtakda na ng deadline ang Korte Suprema sa mga ahensya ng gobyerno para sa pagpapatupad ng kanilang kautusan na linisin ang Manila Bay.

Sa botong 11-4, binigyan ng Korte Suprema ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  ng hanggang Dis.31, 2015 para alisin ang mga iligal na istruktura sa mga river bank at daanan ng tubig na kunektado sa Manila Bay. Kinakailangan umanong magsumite ang MMDA ng kanilang plano para sa gagawing demolisyon sa mga bahay at iba pang istruktura bago o pagsapit ng June 30, 2011.

Binigyan din ng SC ang DPWH at mga lokal na gob­yerno ng Rizal, Laguna, Cavite, Bulacan, Pampanga at Bataan ng hanggang Dis. 31, 2012 para buwagin ang mga iligal na istruktura malapit sa mga river bank.  

Inaatasan din ang DENR na magsumite hanggang June 30, 2011 ng kanilang operation plan para sa pag­lilinis ng Manila Bay, habang sa September. 30, 2011 ay pinasusumite ang mga pangalan at address ng mga tao at kumpanya na responsable sa pagtatapon ng mga nakalalasong basura sa Manila Bay.

Show comments