^

Bansa

Kaso vs 14 Taiwanese na idineport ibinasura ng DOJ

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Ilang buwan matapos na ipadeport ng Bureau of Immigration (BI) ang 14 Taiwanese nationals, ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong criminal na isinampa laban sa mga ito at 10 iba pa.

Inirekomenda ni acting City Prosecutor Gerard Gaerlan ang pagbasura sa kasong syndicated estafa at paglabag sa Access Devices Regulations Act of 1998 laban sa mga nasabing dayuhan dahil hindi sapat ang mga ebidensya na isinumite upang maisulong sa korte ang reklamo.

Una ng nagsagawa ng raid ang NBI-Anti-Fraud and Action Division sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila kung saan naaresto ang 24 Taiwanese. Nakuha sa kanila ang ilang two-way radio, kahon ng telepono, laptops, computer cables, router, at iba pa.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pamemeke ng mga access device, hindi awtorisadong access device at iba pang kahalintulad nito.

Gayunman, sa reklamo na isinampa ng NBI at Chinese Embassy, ay hindi naman umano napatunayan na ang mga nakumpiskang gadgets ay ginagamit sa iregularidad.

Sinabi pa ni Gaerlan na iligal ang ginawang pagkukumpiska ng mga gamit sa mga ina­restong dayuhan dahil wala naman silang da­lang search warrant ng magsagawa ng raid sa Makati.

ACCESS DEVICES REGULATIONS ACT

ANTI-FRAUD AND ACTION DIVISION

BUREAU OF IMMIGRATION

CHINESE EMBASSY

CITY PROSECUTOR GERARD GAERLAN

DEPARTMENT OF JUSTICE

GAERLAN

GAYUNMAN

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with