^

Bansa

Nagkaka-HIV pabata ng pabata

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pabata ng pabata ang mga nagkakaroon ng sakit na Human Immunodeficiency virus (HIV), ayon sa Department of Health.

Sinabi ni DOH-National Epidemiology Center director Dr. Eric Tayag na isa sa tatlong HIV patients noong 2010 ay may edad na 15-24.

Lumilitaw na ang bilang ng mga Filipino adolescents na may HIV-po­sitive ay tumaas sa huling apat na taon mula 44 noong 2006 ay umakyat sa 484 noong 2010.

Malaki umano ang posibilidad na ang isang pasyente na nagkaroon ng HIV bago umedad ng 24 ay magkakaroon naman ng Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) bago sumapit sa edad na 40.

Napag-alaman sa UNI­CEF report na ang Pilipinas ang isa sa pitong bansa na may mataas na kaso ng HIV cases. Kabilang sa mga bansa ang Armenia, Bangladesh, Georgia, Kazakhstan, Kyrgyzstan at Tajikistan. 

ACQUIRED IMMUNE DEFICIENCY SYNDROME

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. ERIC TAYAG

HUMAN IMMUNODEFICIENCY

KABILANG

KAZAKHSTAN

KYRGYZSTAN

LUMILITAW

NATIONAL EPIDEMIOLOGY CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with