MANILA, Philippines - Tataas ng P5.00 kada kilo ang presyo ng baboy sa mga palengke at iba pang pamilihan sa bansa sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Asst. Secretary Salvador Salacup, ang pagtaas ay hindi maiiwasan dahil sa pagtaas ng halaga ng feeds at iba pang pagkain ng baboy sa ngayon.
Sa kasalukuyan ay P150 hanggang P160 ang kilo ng baboy at inaasahang magiging P155-P165 na ito.
Binigyang diin ni Salacup na kapag nagtaas ang halaga ng karne ng baboy, malamang sumunod na rin ang mga mag-mamanok pero hindi ito tataas pa sa P130 kada kilo ang presyo.
Gayunman, ang presyo anya ng gulay at isda ay nananatiling stable at walang magaganap na pagtataas sa halaga nito.