^

Bansa

11 Pinoy sa NZ quake patay na!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Matapos ang mahigit isang linggong pagha­ha­nap, idineklara nang patay ang may 11 Pinoy na nawawala sa gumuhong Canterbury Television (CTV) building matapos na tumama ang 6.3 magnitude na lindol sa New Zealand noong Pebrero 22.

Ito ang kinumpirma ng DFA matapos na tumawag kay Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario ang foreign minister ng New Zealand para magpaabot na ng pakikiramay sa pamilya ng mga nabiktima ng lindol na pi­naniniwalaang natabunan ng gumuhong CTV building sa Christchurch City.

Magugunita na nagsagawa ng 2 minutong katahimikan ang mga ma­mamayan sa Christchurch kasabay ng isinagawang pagdarasal para sa mga biktima.

Sinabi ni del Rosario na sisimulan ang reco­very operation ngayong araw mula sa search and rescue operation ma­ta­pos ang 9 na araw na pag­­hahanap sa mga gumuhong gusali sa may mahigit 200 katao na nawawala. Umaabot na sa 147 katao ang kumpirmadong patay sa lindol.

Kabilang sa mga hinahanap na Pinoy ay sina Jessie Lloyd Redoble, John Kristoffer Chua, Ezra Mae Medalle, Emmabelle Anoba, Jewel Francisco, Ivy Jane Cabunilas, Mary Louise Anne Amantillo, Valquin Bensurto, Rhea Mae Su­malpong, Erica Nora at Lalaine Agatep.

Nakipag-ugnayan na rin ang DFA sa National Bureau of Investigation upang tumulong sa pagkilala sa mga labi ng Pinoy na marerekober sa New Zealand. 

CANTERBURY TELEVISION

CHRISTCHURCH CITY

EMMABELLE ANOBA

ERICA NORA

EZRA MAE MEDALLE

FOREIGN AFFAIRS SEC

NEW ZEALAND

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with