Mga biktima ng human rights dagsa sa CHR
MANILA, Philippines - Dumagsa sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) sa QC ang mga biktima ng human rights violation noong panahon ng rehimeng Marcos.
Ayon kay CHR Chairman Etta Rosales, mula anya nang malaman ng mga tao na nagkakaloob na ng ayudang pinansyal sa mga nabiktima ng paglabag sa karapatang pantao noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, dumami na ang mga taong nagtutungo sa kanilang tanggapan para makakuha ng financial assistance.
Anya, sa ngayon ay mula sa letrang A hanggang E ang kanilang inaasikaso para rito.
Bukas ang kanilang tanggapan mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon para asikasuhin ang mga claimants at tatagal ito hanggang sa darating na araw ng Lunes, Marso7.
$1,000 ang natatanggap ng bawat claimants ng biktima ng huma rights violations noong rehimeng Marcos.
- Latest
- Trending