^

Bansa

Agency na nagpaalis sa Pinay na bibitayin sa China kinasuhan

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines -  Kinasuhan sa Department of Justice (DOJ) ang isang opisyal ng travel agency na umano’y responsable sa pagpapaalis kay Sally Ordinario Villanueva patungong China.

Si Villanueva ay kabilang sa tatlong Pinoy na nakatakda sanang bitayin nuong Pebrero dahil sa kaso ng drug trafficking.

Ayon kay Assistant Chief Prosecutor Jonathan lledo, hepe ng interagency task force against trafficking, si Jose Bernardino Batnag, operations manager ng Winluck Travel and Tours Agency, ay naaresto dakong alas-6 kamakalawa ng gabi sa NAIA Terminal 3.

Naaresto umano nila si Batnag habang may ineeskortan ito na apat na babaeng OFW na patungo sana ng Macau at Canton sa China.

Nabatid din sa kanilang pag-iimbestiga na ito ang responsable sa pag-alis ni Villanueva patungong China.

Sinabi ni Lledo na mahaharap si Batnag sa reklamong paglabag sa Republic Act 9208 o Anti trafficking in persons act of 2003.

Tumanggi naman si Lledo na pangalanan ang apat na OFW na ineskortan ni Batnag.

Nagpapatuloy pa uma­no ang pag-iimbestiga na ginagawa ng kanilang grupo kaugnay naman ng iba pang travel agency na rersponsable rin sa pagpapaalis sa iba pang Pilipino na ginawang drug mule patungo ng China.

ASSISTANT CHIEF PROSECUTOR JONATHAN

AYON

BATNAG

DEPARTMENT OF JUSTICE

JOSE BERNARDINO BATNAG

KINASUHAN

LLEDO

REPUBLIC ACT

SALLY ORDINARIO VILLANUEVA

SI VILLANUEVA

WINLUCK TRAVEL AND TOURS AGENCY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with