^

Bansa

Impeach Mercy larga na

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Pinagbotohan na ng House Justice Committee na may sufficient grounds sa dalawang impeachment complaints na isinampa laban kay Chief Ombudsman Merceditas Gutierrez sa Kamara.

Sa botong 41-12 idi­neklarang may sufficiency of grounds sa unang reklamong impeachment na inihain ni dating Akbayan party-list Rep. Risa Hontiveros laban kay Gutierrez.

Sa pangalawang rek­lamo na inihain ng grupong Bayan ay 42 committee members din ang nagsabing may sufficient grounds para patalsikin sa puwesto si Gutierrez at 12 ang hindi sumang-ayon.

“The committee declares the 2nd complaint alleges sufficient grounds for impeachment,” sabi ni Justice committee chairman Niel Tupas, matapos ang ikalawang botohan.

Ayon kay Tupas, magpapatuloy ang pagdinig ng komite bukas para sa pagharap ng mga reklamo at cross-examination ng mga testigo sa una at pangalawang complaint na inihain laban kay Gutierrez.

Sabi ni Tupaz, pagsasamahin ng komite ang dalawang complaints bago sila magbotahan sa probable cause.

Ang reklamo kay Gutierrez ay betrayal of public trust dahil sa mababang conviction rates, ang hindi pagtugon sa  $329 million NBN-ZTE deal, ang hindi rin pagtugon sa P728-million fertilizer fund scam, ang hindi pagbusisi sa P1-million dinner ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at entourage ng magtungo ang mga ito sa Estados Unidos at hindi pagbigay ng kopya ng Ang Galing Pinoy party-list Rep. Juan Miguel ‘Mikey’ M. Arroyo’s statement of asset and liabilities and net worth, at ang pag­kabinbin ng ibang mga kaso na nakaka-apekto sa public’s welfare.

AKBAYAN

ANG GALING PINOY

AYON

CHIEF OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTIERREZ

ESTADOS UNIDOS

HOUSE JUSTICE COMMITTEE

JUAN MIGUEL

NIEL TUPAS

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

RISA HONTIVEROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with