MANILA, Philippines - May 11 Pinoy na lang ang nawawala sa naganap na 6.3 magnitude na lindol sa New Zealand noong Martes.
Sa report ng Embahada ng Pilipinas sa Department of Foreign Affairs (DFA), hindi 12 ang nawawala kundi 11 na lang dahil naberipika na ang isa sa nakatalang pangalan na Elisa Torres na unang inakalang Pinoy ay isang dayuhan.
Sa ipinalabas na listahan ng DFA, ang mga nawawalang Pinoy ay sina Jesse Lloyd Redoble, John Christopher Chua, Ezea Mae Medalle, Emmabel Anova, Jewel Francisco, Ivy Jane Cabunillas, Mary Louise Anne Amantillo, Valquin Bensurto, Rhea Mae Sumalpong, Erica Nora, at Lalaine Agatep.
Sinabi ng DFA na wala pa ring naililigtas sa 11 nabanggit simula nang isagawa ang search and rescue operations sa CTV building.
Tinatayang umaabot sa 50 katao na karamihan ay mga estudayante mula sa Pilipinas, China, Japan, Thailand at iba pang bansa ang kabilang sa mga na-trap sa CTV building. Umakyat na sa 147 katao ang patay at mahigit 200 pa ang nawawala.