^

Bansa

11 Pinoy na lang nawawala sa NZ

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - May 11 Pinoy na lang ang nawawala sa naganap na 6.3 magnitude na lindol sa New Zealand noong Martes. 

Sa report ng Embahada ng Pilipinas sa Department of Foreign Affairs (DFA), hindi 12 ang nawawala kundi 11 na lang dahil naberipika na ang isa sa nakatalang pangalan na Elisa Torres na unang inakalang Pinoy ay isang dayuhan.

Sa ipinalabas na listahan ng DFA, ang mga nawawalang Pinoy ay sina Jesse Lloyd Redoble, John Christopher Chua, Ezea Mae Medalle, Emmabel Anova, Jewel Francisco, Ivy Jane Cabunillas, Mary Louise Anne Amantillo, Valquin Bensurto, Rhea Mae Sumalpong, Erica Nora, at Lalaine Agatep.

Sinabi ng DFA na wala pa ring naililigtas sa 11 nabanggit simula nang isagawa ang search and rescue operations sa CTV building.

Tinatayang umaabot sa 50 katao na karamihan ay mga estudayante mula sa Pilipinas, China, Japan, Thailand at iba pang bansa ang kabilang sa mga na-trap sa CTV building. Umakyat na sa 147 ka­tao ang patay at mahigit 200 pa ang nawawala.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELISA TORRES

EMMABEL ANOVA

ERICA NORA

EZEA MAE MEDALLE

IVY JANE CABUNILLAS

JESSE LLOYD REDOBLE

JEWEL FRANCISCO

JOHN CHRISTOPHER CHUA

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with