^

Bansa

De Lima, Mrs. Mancao maghaharap

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nakatakdang magha­rap sina Justice Secretary Leila de Lima at ang misis ni dating P/Supt. Cezar Man­cao na ngayo’y state witness sa Dacer-Corbito double murder case upang tuldukan ang love affair issue sa mister ng huli at sa kalihim.

Sa Balitaan sa Tinapayan sa Sampaloc, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, abugado ni Mancao, hindi lamang umano natuloy noong nakalipas na linggo ang pagkikita ni de Lima at misis ni Mancao na si “Maricar” o Dr. Ma. Carmen Mancao dahil kumplikado ang panahon ni de Lima.

Nagpasiya umanong bumalik sa Pilipinas si Maricar dahil nais nitong pabulaanan sa publiko ang kontrobersiya na may romantic love affair ang kaniyang mister at si de Lima. Dagdag pa ni Topacio, pabubulaanan din ni Maricar na sila umano ni Mancao ay magdi-divorce na.

Muli umanong ise-set ang paghaharap nina Maricar at de Lima upang magbeso-beso sa harapan ng media para patunayan na walang relasyon o namumuong alitan sa kanila.

Una nang umusok ang mga ulat na may sikretong love affair sina Mancao at de Lima nang maghain ng kasong domestic violence at maltreatment laban kay Mancao ang isang Teresa Irene Abas, na nagsabing dati siyang common law wife ni Mancao.

Sinabi din ni Abas na may relasyon si Mancao sa isang mataas na opisyal ng pamahalaan na responsable sa paglalagay sa kanya sa ilalim ng Witness Protection Program na tila ang pinatatamaan ay si de Lima.

Itinuturing lamang ni de Lima na demolition job ang nasabing isyu para sirain ang kaniyang reputasyon. 

CARMEN MANCAO

CEZAR MAN

DR. MA

FERDINAND TOPACIO

JUSTICE SECRETARY LEILA

LIMA

MANCAO

MARICAR

SA BALITAAN

TERESA IRENE ABAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with