200 naospital sa abo ng Bulusan
MANILA, Philippines - Isinugod sa pagamutan ang may 200 katao matapos dumanas ng paninikip ng paghinga makaraang malanghap ang abo na ibinuga ng bulkang Bulusan sa bayan ng Irosin, Sorsogon.
Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa bayan ng Bulan ay nasa 80 residente ang nagpagamot sa Rural Health Center habang 80 pa sa municipal hospital.
Sa sobrang dami ng pasyente ay kinakapos na sa hospital bed ang municipal hospital sa Bulan.
Bukod sa mga residente nasa 10,000 mga hayop ang nakaranas din ng respiratory disease at diarrhea sanhi ng ash fall.
Kabilang dito ang 88 baka, 510 kalabaw, 288 baboy, 1,915 mga manok at 1,525 na mga bibe.
- Latest
- Trending