^

Bansa

Kung hindi nangyari ang EDSA 1, PNoy: Pinas baka natulad sa Libya

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Bagaman at hindi pinangalanan, halatang si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos ang pinatatamaan kahapon ni Pangulong Aquino kahapon nang sabihin nito na malamang natulad sa Libya ang Pilipinas kung hindi nangyari ang EDSA People Power I kung saan napalayas sa kapangyarihan si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

“I do not think we could have become a Singapore had we stay the course with Marcos... We were far from becoming a Singapore. Were it not for EDSA we probably could have become another Libya,” sabi ng Pangulo.

Matatandaan na sinabi ni Sen. Marcos na hindi naman kusang bumaba sa puwesto ang kaniyang ama dahil mistulang kinidnap sila at kung nagpatuloy umano ang panunungkulan ng kaniyang ama ay posibleng naging kasing unlad ng Singapore ang Pilipinas.

Nilinaw naman ng Pangulo na obligasyon niyang ituwid ang nararapat at hindi niya gustong ungkatin ang sugat ng nakaraan.   Ipinagmalaki ng Pa­ngulo na isa sa mga natamasa ng mamamayan sa nangyaring People Power I ay ang malayang pamamahayag at ang pagrespeto ng ibang bansa sa Pilipinas.

Ginawa ni Aquino ang patama kay Marcos sa EDSA People Power awards sa Malacañang kahapon.

AQUINO

BAGAMAN

BONGBONG

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG FERDINAND MARCOS

PEOPLE POWER

PEOPLE POWER I

PILIPINAS

SENATOR FERDINAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with