Due process hingi ni Gutierrez

MANILA, Philippines - Nanawagan si Ombudsman Merceditas Gutierrez sa Kongreso na isailalim sa due process ang isinampang impeachment laban sa kanya at hayaan ang Korte Suprema na madesisyunan muna ang kanyang apelang isinumite dito bago ituloy ang impeachment proceedings.

Binigyan ng House committee on Justice si Gu­tierrez ng hanggang Marso 1 para sagutin ang dalawang impeachment complaints na isinampa laban sa kanya matapos na ibasura ng Korte ang petisyon nito na ipawalang saysay ang nasabing reklamo.

Idiniin ni Gutierrez sa committee on Justice na dapat muna itong maghintay ng pinal na desisyon ng Supreme Court dahil mayroon pa naman siyang 15-araw para makapaghain ng mosyon sa SC.

Binalaan pa ng Ombudsman si Justice Committee Chairman Rep. Niel Tupas Jr., na nilalabag nito ang kanyang karapatan na magkaroon ng due process ang kaso laban sa kanya.

Show comments