'Pag di humupa ang gulo sa ME, Africa: Langis posibleng irasyon
MANILA, Philippines - Nangangamba ang ilang kongresista sa Kamara na magkaroon ng oil rationing kapag hindi tumigil ang kaguluhan sa Middle East at Western Africa kaya gusto nilang mabigyan ng emergency powers si Pangulong Noynoy Aquino oras na magkaroon ng krisis sa suplay ng langis sa bansa.
Ayon kina Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento at Ang Kasangga Partylist Rep. Teodorico Haresco, dapat paghandaan na ng Kongreso ang pagbibigay ng karagdagang kapangyarihan kay Aquino.
Sinabi ni Sarmiento, kailangan magsagawa ng imbentaryo ang Department of Energy sa imbak ng langis sa bansa para maiwasang mangyari ang artificial gas rationing.
Ayon kay Sarmiento, may mga kompanya ng langis ang siguradong magsasamantala sa nangyayari ngayon sa mga nasabing lugar kaya bago pa man mangyari ito ay dapat magkaroon ng imbentaryo ang DOE para hindi malagay sa malaking problema ang mamamayan sa bansa.
Ipinalalatag na rin ni Sarmiento sa gobyerno ang contingency measures nito upang hindi magkagulo sa bansa kung mangyari ang oil shortage.
- Latest
- Trending