MANILA, Philippines - Pagkakaisa ang sinasabing tunay na diwa ng Edsa People Power 1, pero sa ika-25 anibersaryo kahapon ay nagawa pang batikusin ni dating Pangulong Joseph Estrada si ex-President Gloria Macapagal Arroyo.
Ayon kay Erap, sa kasaysayan ng bansa ay nagkaroon na tayo ng dalawang presidente na babae, ang una ay ang yumaong si dating pangulong Cory Aquino, ina ng kasalukuyang Pangulong Nonoy Aquino at ang pangalawa ay si GMA.
Sinabi ni Erap, si Cory ang icon of democracy habang si GMA ay siya umanong icon of corruption.
“President Cory is the icon democracy , si Gloria Macapagal Arroyo is the icon of corruption,” sabi ni Erap.
Inihayag pa ni Erap na kaya umano wala o hindi dumating sa selebrasyon si GMA ay dahil nahihiya ito bunsod ng malaganap na corruption sa kanyang administrasyon.
Ayon naman sa tagapagsalita ni GMA na si Elena Bautista Horn, hindi sila nakatanggap ng imbitasyon mula sa Palasyo kaya walang dahilan para sumipot at makiisa sa ika-25 taong anibersaryo ng People Power Revolution.