^

Bansa

GMA 'icon of corruption' - Erap

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Pagkakaisa ang sinasabing tunay na diwa ng Edsa People Power 1, pero sa ika-25 anibersaryo kahapon ay nagawa pang batikusin ni dating Pangulong Joseph Estrada si ex-President Gloria Macapagal Arroyo.

Ayon kay Erap, sa kasaysayan ng bansa ay nagkaroon na tayo ng dalawang presidente na babae, ang una ay ang yumaong si dating pangulong Cory Aquino, ina ng kasalukuyang Pangulong Nonoy Aquino at ang pangalawa ay si GMA.   

Sinabi ni Erap, si Cory ang icon of democracy habang si GMA ay siya umanong icon of corruption.

“President Cory is the icon democracy , si Gloria Macapagal Arroyo is the icon of corruption,” sabi ni Erap.

Inihayag pa ni Erap na kaya umano wala o hindi dumating sa selebrasyon si GMA ay dahil nahihiya ito bunsod ng malaganap na corruption sa kanyang administrasyon.

Ayon naman sa tagapagsalita ni GMA na si Elena Bautista Horn, hindi sila nakatanggap ng imbitasyon mula sa Palasyo kaya walang dahilan para sumipot at makiisa sa ika-25 taong anibersaryo ng People Power Revolution.

AYON

CORY AQUINO

EDSA PEOPLE POWER

ELENA BAUTISTA HORN

ERAP

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PANGULONG NONOY AQUINO

PEOPLE POWER REVOLUTION

PRESIDENT CORY

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with