LRT, MRT fare hike tuloy
MANILA, Philippines - Sa kabila ng kaliwa’t kanang oposisyon at batikos, nagpasya ang Department of Transportation and Communication (DOTC) at Light Rail Transit Authority (LRTA) na ituloy pa rin ang planong pagtataas ng pasahe sa LRT at sa Metro Rail Transit, pero nilinaw na hindi pa nila ipatutupad ang naturang fare hike sa Marso.
Ayon kay LRTA spokesperson Hernando T. Cabrera, alinsunod sa batas, konsultasyon lamang ang kinakailangan para makapagpatupad sila ng fare adjustment at hindi na kinakailangan pang magsumite ng petisyon sa LTFRB hinggil dito.
Inaprubahan nng LRT board ang “P11 plus P1” fare adjustment o P11 bilang boarding fee, at karagdagang P1 kada kilometro sa LRT at MRT lines, o maximum fare na P30, na higit na mataas sa kasalukuyang pasahe na P15.
Magbibigay naman ang LRT 1 at 2, gayundin ang MRT, ng 20% discount para sa mga estudyante at mga person with disabilities (PWDs) at 20% discount sa mga senior citizens.
- Latest
- Trending