^

Bansa

12 Pinoy na-trap sa NZ buhay pa

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Buhay pa ang 12 Pinoy na kinumpirmang na-trap sa ilalim ng gumuhong gusali sa Christchurch City matapos na tumama ang 6.3 lindol sa New Zealand noong Martes.

Sa report ng isang Pinoy na si Dr. Rose Ruiz sa Christchurch, nakatanggap sila ng tawag kahapon ng hapon mula sa dalawang biktima na sina Erica Nora at Lalaine Agatep na naipit sa gumuhong CTV building na sila ay buhay pa at nahihirapan na sa ilalim ng kinalalagyang lamesa ng gumuhong gusali at hiniling­ nila na agaran silang iligtas habang may panahon pa.

Sa ipinalabas na listahan, kinilala ng DFA ang 12 Pinoy na na-trap o nawawala sa nasabing gusali na sina Jesse Lloyd Redoble, John Chris­to­pher Chua, Ezra Mae Medalle, Emmabel Anovo, Jewel Francisco, Ivy Jane Cabunillas, Elisa Torres, Mary Louise Anne Amantillo, Valquin Bensurto, Rhea Mae Su­malpong, Erica Nora, La­laine Agatep.

Umabot naman sa 14 ang nawawalang Pinoy matapos na maidagdag sa listahan ang dalawang nawawala na malapit sa bisinidad ng CTV building na sina Rita Estrella at Hayley Concepcion.

vuukle comment

CHRISTCHURCH CITY

DR. ROSE RUIZ

ELISA TORRES

EMMABEL ANOVO

ERICA NORA

EZRA MAE MEDALLE

HAYLEY CONCEPCION

IVY JANE CABUNILLAS

JESSE LLOYD REDOBLE

JEWEL FRANCISCO

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with