Hudikatura pinababalasa
MANILA, Philippines - Nanawagan ang grupong Peoples Movement for Justice (PMJ) sa Korte Suprema na magsagawa ng malawakang balasahan sa hanay ng hudikatura simula sa pinakamataas na posisyon ng Mahistrado gayundin sa mga tiwaling Hukom at clerk of Court upang makamtan ng bansa ang tunay na kalayaan at hustisya.
Sinabi ni Lauro Vizconde, miyembro ng PMJ, magsasagawa ng 72-oras na pag-aayuno ang kanilang grupo para sa “Fast for Judicial Integrity” kung saan iinom lamang ang mga ito ng tubig habang nagpipiket sa harap ng Korte.
Layunin umano ng protesta ang total overhaul sa tinawag nilang totally bankrupt, corrupt at reactionary judicial system at para din sa pagtatatag ng genuinely transparent, free, democratic at socially just Philippine society kung saan ang hustisya ay hindi lamang para sa mayayaman kundi para sa lahat.
- Latest
- Trending