Pag-Ibig inulan ng pekeng dokumento ni Lee
MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng isang opisyal ng Pag-IBIG sa ginawang imbestigasyon ng government prosecutors na nagsumite ng mga loan folders na ‘fraudulent’ si Globe Asiatique developer Delfin Lee upang puwersahin ang gobyerno na maglabas ng P6 bilyon sa housing loans.
Sa panimulang clarificatory hearings ng DOJ, iginiit ni dating Pag-IBIG officer-in-charge Emma Faria na nagsumite ng bulto-bultong loan folder si Lee sa Pampanga para sa loan take-out na istilo ng Glorbe Asiatique.
Wika pa ni Faria sa hearing, lumitaw sa kanilang post-validation sa Pag-Ibig-Pampanga branch na pawang peke ang dokumento at fraudulent ang buyers na isinumite ni Lee.
Inirekomenda ng government prosecutors ang pagsasampa ng kasong syndicated estafa constituting economic sabotage kay Lee.
Itinanggi naman ni Lee sa nabanggit na hearing na nanloko siya sa Pag-Ibig dahil walang iregularidad sa transaksyon ng GA.
Sa imbestigason ng NBI, sa 9,951 umanoy Pag-Ibig borrowers sa Globe Asiatique deals, 1,000 dito ay hindi mahanap,400 ay ibinasura ang aplikasyon para sa housing loans at 200 ay mayroong hindi kumpletong dokumento para sa transaksyon.
Mayroon pang kinakaharap si Lee at mga empleyado ng GA ng dalawang reklamong syndicated estafa dahil sa umanoy double sale ng Xevera Homes sa Mabalacat, Pampanga.
- Latest
- Trending