^

Bansa

'Career officer ang ilagay na chairman ng COA'

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng ilang senador kay Pangulong Noynoy Aquino na piliin ang isang career officer kung sakaling papalitan si Commission on Audit (COA) chairman Reynaldo Villar.

Ayon kay Senate Pro-Tempore Jingoy Estrada, bagaman at iginagalang niya ang karapatan ng Pangulo na mamili kung sino ang ilalagay sa kaniyang gabinete, pero dapat umanong ikonsidera na mula mismo sa loob ng COA ang gagawing chief ng COA.

“Dapat taga-COA mismo lalo na iyong mga career official na may malinis na record. Prerogative na ni Presidente Aquino kung sino talaga ang gusto niya pero mas maganda kung tagaloob mismo ng COA,” sabi ni Estrada.

Halos ganito rin ang pananaw ni Senator Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri na sang-ayon rin na mismong taga COA ang ma­ging pinuno ng komisyon kaysa sa isang political appointee.

Nakatitiyak si Zubiri na may mga magagaling at hindi korupt na tauhan ang COA na karapat-dapat sa posisyon.

Mas tataas umano ang morale ng mga empleyado ng COA kung mula mismo sa kanilang ahensiya ang kanilang magiging boss.

Pabor rin si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na isang career official ang maging bagong COA chief pero dapat umanong resolbahin ang isyu tungkol sa termino ni Villar bilang hepe ng COA.

Matatandaan na ini­hayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na maaaring manatili muna sa kaniyang puwesto si Villar hangga’t walang napipiling kapalit nito ang Pangulo.

COA

PANGULO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PRESIDENTE AQUINO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

REYNALDO VILLAR

SENATE MINORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO

SENATE PRO-TEMPORE JINGOY ESTRADA

SENATOR JUAN MIGUEL

ZUBIRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with