Phl nag-sorry na sa Taiwan

MANILA, Philippines - Taliwas sa unang pagmamatigas ng Malacañang, humingi na ng paumanhin ang Philippine government sa Taiwan kasunod ng isyu sa pagpapa-deport sa 14 Taiwanese sa mainland China.

Ayon sa statement ng Taiwan’s foreign ministry, personal umanong nag-sorry si Manila Economic and Cultural Office (Meco) Amadeo Perez kay Taiwanese Foreign Minister Timothy Yang sa pagkikita ng dalawa nitong nakaraang linggo.

“I apologize for this unfortunate incident,” ayon umano kay Perez sa pagtagpo nila ni Yang.

Una rito, binigyang diin ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na walang plano ang gobyerno na humingi ng paumanhin sa Taiwan.

Pero sa panig ni Chairman Perez, nangangamba ang opisyal sa mala­king epekto sa Pilipinas ng namuong tensyon sa pagitan ng Taiwan.

Maalala na pina-recall ng Taiwanese government ang kanilang envoy kasunod ng insidente at hinigpitan din ang pagtanggap nila ng mga overseas Filipino workers. Sa kasalukuyan, tinatayang mayroong 90-libo OFWs ang nakabase sa Taiwan.

Show comments