MANILA, Philippines - Wala raw halaga ang anumang tagumpay na makakamit sa buhay kung wasak naman ang pamilya.
Ito ang inihayag kahapon ni Lyn Bacani ng Marino World bunsod para ilunsad ang International Seafarer Family Convention (ISFC) na naglalayong patatagin ang pagsasama ng bawat pamilya ng mga Marino.
Inilunsad ang programa matapos makatanggap ng impormasyon na maraming pamilya ng mga marino ang nawawasak dahil sa matagal na pagkakawalay-walay ng mga ito.
“Kahit na mayaman ka, maraming pera, matalino at may magandang trabaho kung wasak naman ang pamilya mo ay natitiyak kung hindi ka magiging masaya sa buhay mo,” ani Bacani.
Dapat anyang palakasin ang pagsasama at pagmamahalan ng bawat isa sa pamamagitan ng paglalaan ng oras para magkaroon ng bonding ang isang pamilya.